1. |
Botod
04:20
|
|||
“Botod”
Tawagin ang pansin nitong ating mga tampok/
Silang mga nakabihis elegante at kaybabango/
Silang mga namumuno't nauupo sa ibabaw ng lipunang ating kinabibilangan/
Silang mga nakatawa't napupuno ang kanilang mga bunganga't mga tiyang nagsisipaglakihan/
Punet at tuyo na ang mga lalamunan ng mga dumadaing/
Habang sila'y lasing sa mga ubas na dapat sana'y ating subo/
Sa mga prutas ng korapsyon/
Samantalang sa atin ay ang latak ng sariling nating mga pawis at dugo/
Halika't tawagin ang pansin nitong ating mga tampok/
Silang mga nagsisipagtabaang garapatang walang sawa’t walang pagkabusog/
Habang nagsisipagngamatay sa gutom at kahirapan ang mga kapos at walang laban/
Silang patuloy na ninanakawan at inaabuso ang kanilang kahinaan at kamangmangan/
Pagmasdan mong maulol at manakmal silang mga nasa hukay ng desperasyon/
Habang patuloy ang pagnanakaw sa kabang ating inaasahan/
Hanggang kailan sisigaw ang mga kapos na nakararami?
O kailan magsisipagdilat ang mga nagsisipagsayawang mga bulag?
Kailan matatauhan ang mga hindi makatao?
Kailan mananawa ang mga gahaman’t mga buwakaw?
Kailan maaawa, o mga walang awa?
Kailan gigising ang natutulog nating katinuan?
Tawagin ang pansin nitong ating mga tampok/
Nating mga sarili't mga tiyan nating tampok/
|
||||
2. |
||||
“Ang Libing na naipundar ni Jetro R. Soler”
Bakit di man lamang nga ba umulan?/
o ni umambon man lang at nang masabi natin sa'ting mga sariling nagtatanong/
na Oo at may luhang pumatak bukod sa mga luhang nanggaling sa mga mata nitong inulila/
sa mga mata nitong nagluluksa sa pagpanaw nitong kaawa-awang matanda/
na Oo at nakikiramay ang langit kasama ng anim na itong piniling dumalo/
ng anim na empleyado ng establisyamentong labintatlong taon niyang pinagsilbihan/
Labintatlong taon ng pag-iis-is ng nanlilimahid at namamanghing palikuran/
ng paglalampaso at pagwawalis na siyang magtatawid sa araw- araw/
Labintatlong taong ginugol,inubos, sinunog sa pagtitiis, namuhay nang walang buhay/
at bakit 'ni hindi man lamang nga ba umulan? sa halip/ ay/
nakakabalisang init ng tirik na araw, abala at walang pakialam/
tanging ingay, walang punebre, walang musika ng pagluluksa/
wala tayong magagawa/
ito lang ang halaga na kinaya ng kanyang pinundar/
paano na si Magda?/
ngayong wala na ang taong kumupkop sa ulilang hindi pinanindigan/
ng kanyang tunay na ama at ina./
wala tayong magagawa/
ang halaga ng gamot at pagkabuhay nitong matanda'y higit pa sa kanyang naipundar/
teka../
hindi kaya../
ako'y nakatingin../
sa aking.../
sariling.../
Libing!?!/
limampu,tatlumpu, o ilangpung taon makalipas/
mamamatay rin ba akong hikahos at wala?/
ng abo sa abo't alabok sa alabok at wala nang iba/
at hanggang sa huli'y nasa ibaba ng inyong mga mata/
katulad ba niya'y uubo rin ako ng dugo?/
lalayuan at pandidirihan hanggang sa pagkamatay/
at hanggang sa huli'y hindi man lang binisita/
ng kanyang mag-inang nawala na parang bula/
ng pagtakas sa buhay probinsya't asawang palamunin/
sa asawang nilamon ng bisyo at katamaran/
ako ang siyang lumikha ng aking ikapipighati/
ako ang siyang may-akda ng aking sariling libing./
|
||||
3. |
||||
“Sa Bunganga ng Pagkabaliw”
Ako ang pagtakas sa bangungot ng iyong reyalidad/
Ako ang pagtakas sa iyong gutom, problema, at kakapusan/
Suyurin ang kongkretong ahas nitog usok at alikabok/
Halika’t tahakin ang landas ng grasa at pagkawala/
Ako ang iyong bagong bangungot, ang bago mong reyalidad!
Halika’t pasukin ang mga mata nitong taong binababad sa grasa at nasaan/
ang mga mata nito’t siya ay nakatawa gayong siya ay lumuluha’t umaangil sa galit?/
Ako ang pagtakas sa bangungot ng iyong reyalidad/
Ako ang pagtakas sa iyong gutom, problema, at kakapusan/
Suyurin ang kongkretong ahas nitong usok at alikabok/
Halika’t tahakin ang landas ng grasa at pagkawala/
Ako ang iyong bagong bangungot, ang bago mong reyalidad!
|
||||
4. |
Hamog (Live)
05:42
|
|
||
“Hamog”
Sinusuyod ni Theresa ang kahabaan nitong kalsada,/
nakayapak/
Kumakatok ang sikmura niyang kumakalam/
Naghihintay sa iaabot ng bawat may kamay/
Lutang ang mga mata’t ‘di makausap itong si Magda /
Balisa/
Sapat nga bang rason ang gutom at kahirapan?/
Sa desisyong pagkagat sa alok ng matandang dayuhan/
Nakahain/
ang kanyang murang gulang at katawan sa palitan ng puri at pera/
Lumuluha ang gabi/
Anong bangungot itong kanyang sinuong?/
Tulala’t nakaturo sa wala sila Jaime at Marko/
Lango sa supot ng lason nilang bitbit/
Babagsak ang araw!/
Bumabagsak ang mga utak nilang tinutunaw/
Tumatakbo si Lazaro, siya’y hinahabol/
Tumatawa’t kinakabahan/
Tangan ang pinaka-iingatan niyang nakaw/
Nakaw na magtatawid sa kanilang gutom/
Gutom?
o isa nang ganap na sakit? Isang ganap na adiksyon?/
Aabutin pa nga ba ang edad na disi otso?/
hahandusay nang duguan o nang dilat ang mga mata/
Biglang huminto at muling ginimbal ang mundo ni Lazaro/
Nanlambot at bumagsak, mga tuhod niya’y humalik sa semento/
Ang sa kanya’y tumambad, panibagong bangungot sa kanya’y dumagdag/
Mga sugat muling nanariwa, epekto ng lason nito’y lalo pang lumala/
Galit, pighati, at pagtataka sa mga mata’y nakapinta/
“tangina! Bakit?Kailan ako gigising sa bangungot na ito?”/
Ang siya ring tanong nitong si Theresang humagulgol/
Ang siya ring tanong nila Jaime at Markong biglang natauhan/
Si Magda na kapatid sa kalyeng tinuring nilang Ina/
Nakahundusay, walang saplot, wala nang buhay, wala nang bukas/
|
Dalisay Philippines
Dalisay are:
Jorel Torres
- Vox/Guitars
Mark Gilbert Saguibo
- Bass
Jux Mauricio
- Drums
Streaming and Download help
If you like Dalisay, you may also like:
Bandcamp Daily your guide to the world of Bandcamp